Kung ang paranormal ay hindi kayang ma-explain ng science, bakit may scientific approach sa paranormal?

Question na tinanong ni Admin Ver Chan sa Paranormal PH students:

"Kung ang paranormal ay hindi kayang ma-explain ng science, bakit may scientific approach sa paranormal?"

My Answer:

Ang science ay hindi lang basta koleksyon ng "facts" — ito ay isang proseso ng maingat at evidence-based na pag-alam ng katotohanan.

Ang proseso ay kadalasang ganito:

1. ๐Ÿ‘€ Obserbasyon

Pagpansin sa kakaibang karanasan o phenomena

2. ๐Ÿค” Pagtatanong o Pagtukoy ng Problema

Ano ba ang nangyari? Ano ang dapat nating alamin?

3. ๐Ÿ“š Pananaliksik / Imbestigasyon

Pangangalap ng impormasyon mula sa kasong ito, sa mga naunang kaso, at sa naipon na nating kaalaman

4. ๐Ÿง  Hypothesis

Pagbuo ng hula o paliwanag na posibleng totoo

5. ๐Ÿงช Eksperimento o Case Analysis

Pagsusuri sa hypothesis gamit ang obserbasyon, testing, o dokumentasyon

6. ๐Ÿ“Š Pagsusuri ng Resulta

Tama ba ang hypothesis? May ebidensya ba? Kailangan ba ng ibang paliwanag?

7. ๐Ÿ’ก Konklusyon

Ano ang nalaman natin? May dapat bang i-rule out?

8. ๐Ÿ“ Paggawa ng Report (at Pag-share kung nais)

Para sa documentation at peer discussion

9. ๐Ÿ”„ Pag-ulit ng Proseso kung Kailangan

Baka kailangan baguhin ang hypothesis o maghanap pa ng mas maraming data





Sa paranormal, ginagamit natin ang scientific approach para i-rule out muna ang mga natural na sanhi, psychological factors, o panlilinlang.

Kapag na-eliminate na ang mga normal na paliwanag at nananatiling hindi maipaliwanag, doon pa lang natin masasabi na posibleng paranormal ito.


Ang sistematikong imbestigasyong ito ay nakakatulong sa pag-iwas sa pagkakamali 
AT nagpapaalala na mahalagang ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga hindi maipaliwanag


TANDAAN: Dalawa kasi ang ibig sabihin ng “Science”:

Science as a body of knowledge — mga tinatanggap na facts ng scientific community.

Science as a method — isang proseso ng maingat, sistematikong pag-alam ng katotohanan.


Science as Body of Knowledge Science as Method
Mga accepted facts ng scientific community Maingat at sistematikong paraan ng pag-alam ng katotohanan
Base sa consensus at peer review Pwedeng gamitin kahit sa bagong, unexplained na phenomena
Hindi pa kasama ang paranormal Pwedeng gamitin para pag-aralan ang paranormal!
➡️ Ang paranormal ay hindi pa kabilang sa accepted facts , pero puwedeng aralin gamit ang scientific method at iba pang paraan.


Kaya kahit hindi kabilang ang paranormal sa "scientific FACTS" (yung body of knowledge na tanggap ng mainstream science), maaari pa rin itong aralin gamit ang scientific METHOD — dahil ang method ay hindi limitado sa kung ano lang ang "accepted."

Nagmumukhang bawal pag-aralan ng agham ang paranormal dahil sa stigma, pero sa totoo lang, neutral naman ang science pagdating sa paranormal — ang problema, may mga tao lang na may matinding bias laban dito.

Sa katunayan, baka kailangan pang mag-evolve ang science — sa konsepto, sa methods, at sa tools — para mas maintindihan ang paranormal.

Hindi dapat hadlangan ng mga limitasyon ng kasalukuyang science ang pag-aaral natin sa mga kakaibang bagay.

Baka nga sa pagtutok natin sa mga hindi pa nauunawaan, doon natin matutuklasan kung paano mas mapapabuti ang agham mismo.


Comments

Popular posts from this blog

What the Paranormal Is and What It Is Not

Ano ang Pinagkaiba ng Paranormal Philippines sa ibang paranormal group?

Pwede bang maging paranormal investigator kahit walang psychic abilities?