Ano ang Pinagkaiba ng Paranormal Philippines sa ibang paranormal group?

Gusto ng Paranormal Philippines na tulungang maunawaan ng mga Pilipino kung ano ba ang paranormal. Hindi kami isang grupo lang ng mga tao na gustong magexplore o maghanap lang ng tinatawag na "experience" ng thrill. Nais naming ipaunawa sa mga tao na ang mga taong nakakaranas ng paranormal ay hindi nasisiraan ng bait kundi nangangailangan ng tamang tulong. Hindi dapat maging tampulan ng tukso ang mga taong nakakaranas ng paranormal at hindi din dapat husgahan. Ang mga karanasang paranormal ay sanhi ng iba't-ibang bagay at layunin namin na ipaalam sa nakakaranas nito kung ano ang dapat nilang gawin upang matigil na ang nararanasan nilang ito. 


Layunin rin naming hubugin ang mga taong gustong yakapin ang kanilang karanasan para makatulong din sa ibang tao. Walang ibang makakaintindi sa mga taong nakaranas din ng mga naranasan namin. Kaya kami nandito para magbigay din ng awareness sa mga tao. Upang dumami ang mga taong nagtutulungan ng walang kapalit na pera o anuman. 

Matagal na kami sa larangang ito. Higit na sa sampung taon kaming tumutulong ng hindi nagpapabayad. Nandito kami dahil wala namang malapitan ang mga nangangailangan at imbes na masulosyunan ay mas napapahamak pa nga sila. Nandito kami para ilapit ang mga tao sa Diyos. Para bigyan sila ng katuwang sa kanilang nararanasan. 

Kaya sana tumatak na sa isipan ng bawat tao na ang paranormal ay hindi para sa mga baliw, hindi din para sa mga sumasamba sa demonyo. Marahil may ibang grupo na gumagawa nito pero iba ang Paranormal Philippines. Iyan ang gusto naming baguhin sa larangan ng Paranormal. 

- Theophilus 






Go to...

Comments

  1. Replies
    1. Hi Ron, mag-message lang kayo sa page :)
      https://www.facebook.com/paranormalphilippinesoriginal

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pwede bang maging paranormal investigator kahit walang psychic abilities?

Different Types of Paranormal Groups