Pwede bang maging paranormal investigator kahit walang psychic abilities?
Ans. Ang paranormal investigator ay mayroong common purpose or goals -> alamin ang totoo sa bawat kwento. Halimbawa sinabi ng kapitbahay mo na may aswang sa bubong, lumabas ka at tiningnan ang bubong, ang ginawa mo ay matatawag nang -> paranormal investigation, dahil tinangka mo or inalam mo kung totoo ang kwento. Walang batas na nagbabawal sa mga tao na maging paranormal investigator. Kahit sino naman ay pwede. Ang paranormal investigator at paranormal story teller ay MAGKAIBA, ang investigator inaalam niya ang katotohanan at naglalahad ng mga posibleng sanhi ng isang sitwasyon, ang story teller ay agad agad na NAGTUTURO ng sanhi ng isang sitwasyon kahit walang sapat na ebidensya, pinagbibintangan agad nila ang mga engkanto at sinasabing iyon daw ang gumawa ng pagkakasakit ng isang tao. Ang mga paranormal investigator ay mayroong ibat ibang level, or efficiency level, ito yung husay at galing nila na MATUKOY ang eksaktong sanhi ng isang paranormal case, at masolusyuna...
Comments
Post a Comment