Skeptical vs paranormal ???
Talaga bang contradicted ang skeptic at paranormal ?
Ganito ang definition ng encyclopedia--
Skepticism or scepticism is generally any questioning attitude or doubt towards one or more items of putative knowledge or belief.
Ang pagiging skeptic ay isang thinking attitude kung saan ang isang tao ay mapaghanap o mapagtanong ng mga detalye, o mayroong pagdududa sa belief system, ayon sa pinaka definition, ang skeptic ay HINDI talaga contradicted sa paranormal. Ngunit bakit sinasabi ng iba na palaging kontra ang skeptic sa paranormal ?
Ayon po sa aking analysis, mayroong 3 klase ng tao batay sa kanilang mode of thinking.
1. Rejectionist or closed minded people-- sila po yung mga taong palaging naka-reject kahit kulang pa sa supplemental information.
Halimbawa sinabi mo sa kanya na totoo ang third eye, siya ay napakabilis humusga at sasabihin agad niyang, HINDI IYON TOTOO, at hindi muna nagtatanong ng dagdag detalye bago tanggihan ang isang idea.
2. Skeptical--sila po ang mga taong nabanggit na natin ang definition, nasa gitna sila sa pagitan ng mga taong closed minded at gullible
3. Gullible-- sa tagalog po sila ay mga "madaling mauto" o madaling maloko, basta sinabi ng kanilang grupo, agad agad silang naniniwala at hindi na nila inuunawa ang ibang pananaw, tulad sila ng mga rejectionist, subalit ang kanilang action ay ACCEPT kung saan ang rejectionist ay REJECT ang action or mode of thinking.
Halimbawa sila ay nasa iisang grupo, at kapag sinabi ng kanilang leader, "TAYO LAMANG ANG MALILIGTAS" ang gullible people ay agad agad naniniwala kahit kulang sila sa supplemental information, hindi nila binibigyan ng opportunity na suriin MUNA at patunayan bago tanggapin ang idea.
- Ver Chan
Trivia: ang quote ni Soren Kierkegaard sa infographic sa taas ay nakasulat sa Calling Card ni sir Jimmy Licauco - Chris
Source: https://www.philstar.com/opinion/2019/11/01/1964978/paranormal-activity
Comments
Post a Comment