Mga bagay na dapat din malaman: Excerpt from Multo, Thought Forms, Atbp. book by Mr. Ruel Ruiz
Mga bagay na dapat din malaman
Belief at Expectation.
Maaaring makulayan ang resulta ng
imbestigasyon depende sa paniniwala o expectation ng PSI (Paranormal Scene Investigator). Kaya nga naniniwala
ako na ang isang PSI ay dapat “totoong” skeptic—kaysa naniniwala o hindi
naniniwala. Mainam na talakayin ang kaso nang may mga theories at background
knowledge. Ang matinding paniniwala o hindi paniniwala sa isang bagay ay
nagdudulot ng misinterpretation ng mga events dahil sa mga set of beliefs na
ito ng PSI. Hindi rin naman mainam na maging sarado at maghanap ng talagang
ikaka-disprove ng isang kaso, dahil kahit na ano pang evidence na ito nga ay
paranormal ang dahilan ay hindi pa rin maniniwala.
Simple Misperceptions
Ang “Sense of Presence”
Isa rin sa pinakamadalas i-report
ng tao ay ang pakiramdam na mayroong presence o kakaibang bagay ang nasa
kuwarto. Maaring dahil ito sa expectation. Sa isang reported na haunted house,
ang PSI ay nag-e-expect na may makita o maramdaman. Dagdagan pa ng heightened
suggestibility—na alam mo na ang lugar ay sikat at kilala sa pagmumulto—ang
sense of presence ay maaring mainduced.
Sinusubukang makahanap ng
ebidensiya para masuportahan ang paniniwala. Isang physiological cause ng sense
of presence ay ang extremely low frequency sound waves—infrasound. Pagiging
exposed sa infrasound ay nagbibigay ng iba’t ibang physiological effects sa
katawan ng tao, katulad ng anxiety, panginginig, paghabol sa paghinga, at
pakiramdam ng unseen presence. Kapag ang wave na 18Hz ay present, ang mata ay
maaaring mag-resonate, na nagdudulot sa tao na makakita ng hallucinations sa
peripheral vision. Ang sound waves na ito ay maaring galing sa electrical
equipment, at kahit na hangin na dumadaloy sa bintana o corridor.
Pareidolia
Isa pang pamamaraan kung saan ang
external stimuli ay maaaring ma-misperceive ay tinatawag na pareidolia.
Ang pinaka-example ay kapag tumingin ka sa ulap ay may makikita kang mga mukha,
hayop, at kung anu-ano. Ang human brain ay pinipilit bigyan ng kahulugan ang
mga bagay sa paligid niya. Kapag pinakitaan ng stimulus, ima-match niya ito sa
isang bagay o mga bagay na nakita na niya dati o na experience.
Sensory Deprivation
Madalas na kaganapan sa ghost
investigations, ang mga kasali ay halos malapit na sa sensory deprivation na
may madilim at tahimik na lugar. Ang epektong kadalasan nakikita ay ang
autokinetic effect—ang akalang paggalaw ng isang bagay na stationary.
Kapag ang ilaw ay pumasok sa
mata, ang lente ay nagfo-focus ng ilaw sa image ng pinanggagalingan ng liwanag,
projected sa retina sa likod ng eyeball. Nagbabago ang position ng image na ito
sa retina kapag ang bagay mismo ay gumalaw o ang mata. Sa ordinaryong
conditions, madaling malaman kung anong paggalaw ang nagaganap. Kung ang mata
ang gumalaw, lahat ng image sa retina ay gagalaw. Kapag ang bagay ang gumalaw,
ang image ng bagay sa retina ang magbabago ng posisyon, relative sa mga
naka-focus na image ng bagay na nasa paligid nito. Ang mata ay may dalawang
klase ng photosensitive cells, ang rods and cones. Kino-convert nito ang light
energy bilang mga signals na dinadala sa utak ng optic nerve. Ang rods ay light
sensitive o sensitibo sa ilaw, at nagbibigay sa atin ng black and white na
vision at nagpo-produce sila ng low-resolution image. Ang cones naman ay
nagbibigay ng high resolution, color images, pero hindi sila kasing sensitibo
sa ilaw tulad ng Rods. Sa gitna ng retina ay may maliit na region na tawag ay
FOVEA. Mayroon lamang itong mga cone cells, kaya sa ordinaryong liwanag
kailangan nating tumingin ng diretso sa bagay para magkaroon ng mainam na
paningin. Sa lugar na madidilim, mas mainam ang rods para sa imaging at ang
pinakamalaking bahagi nito ay nasa malapit sa outer edge of the eye o gilid na
mga mata. Ibig sabihin mas madali at malinaw ang ating paningin sa gilid o
corner ng mata kapag medyo madilim. Ang mga cells na ito ay nagbibigay sa 'tin
ng best motion detection, kaya mas mainam at klaro ang movement sa gilid ng mga
mata. Ang PSI o kahit na sinong tao na nakababad sa madilim na lugar ay maaring
maka-perceive ng maliit o mahinang source ng light. At upang makakitang lubos
kinakailangn tumingin gamit ang gilid ng mata diretso sa mga bagay. Ngunit
walang masyadong detalye, kaya para magkadetalye ang bagay ay kailangan tingnan
nang diretso para makakita ng malinaw. Ngunit kapag tayo ay palaging naka-focus
sa isang point of light, nagsisimulang nawawala ang ating tamang perception
dito, dahil ang chemical sa cone cells, ang iodopsin, ay nabe-bleach out.
Ideoretinal light
Ito ay ang phenomenon ng flashes
of light o kulay na lumalabas sa ating paningin kahit walang sensory
stimulation. Madalas sakop din nito ang ilan pang optical phenomena, mula sa
simpleng linya at patterns, hanggang sa tinatawag na “wallpaper patterns.” Ang
epektong ito ay form ng entoptic phenomena.
Entoptic phenomena.
Entoptic phenomena ay mga
sensasyon na mula sa structure ng visual nervous system. May kinalaman din sa
mga objects mismo within sa structure ng mata, isang halimbawa ay ang
“floaters”—maliliit na debris na lumulutang sa vitreous body ng mga mata. Ang
vitreous humour ay parang malabnaw na jell na nakapalibot sa meta. Kapag
ginalaw natin ang ating mga mata, ang jell na ito ay gumagalaw rin, at dahil sa
paggalaw nito, at ang katotohanan na kapag tumatanda ay numinipis ang jell na
ito, ang mga cells at fibers ng mata ay nasisira rin. Ang mga cells at fibers
na ito ay nagka-cast ng anino sa retina. At kapag gumalaw ang mata nakikita
sila bilang mga semi-transparent, irregular lines na lumulutang sa ating
paningin kaya tinawag sila na floaters. Kapag ang mga cells na ito ay nasira
mula sa malapit sa optic nerve, maaari silang mag form ng circular shape na may
clear middle, halintulad sa orbs at lightballs na sinasabing nakikita sa mga
litrato. Ang mga floaters na ito ay maaaring mapagkamalang external objects na
nakikita sa labas ng mata kaysa sa loob nito mismo. Minsan ang inaakalang mga
shadow people o aninong dumadaan sa gilid nang biglaan ay mga sirang cells lang
pala o floaters. Tsk tsk! Dami ko ng sirang cells! Minsan kapag walang magawa
at autistic mode ako ay pinaglalaruan ko ang mga floater na ito! Move to the
left, move to the right! Hehehe!
Scheerer’s phenomenon
Ang liwanag ay nagdadaan sa ilang
layers ng retinal cells bago makarating sa light-sensitive receptor cells. Ang
layers ay sinusuportahan ng mga capillary network ng blood vessels. Kung ang
isang matingkad at steady na ilaw ay pumasok sa mata (halimbawa ilaw sa isang
madillim na kuwarto) posible minsan na makakita ng streaking points na ilaw o
nagniningning na tila bahay ng gagamba na liwanag. Dahil ito sa blood flow na
nasa harapan ng receptors. Dahil na rin ang mata ay palagiang gumagalaw, either
voluntary o saccadic scanning, may sense of motion na maaring maranasan dahil
na nga sa entoptic effects.
Awareness of imagery
Ang imagery ay phenomenon ng
pagkakarun ng visual experiences kung walang visual stimulus mula sa labas.
Isang halimbawa ay ang daydreaming. Kung kaya mong mag-imagine ng puting
buhanginan, sandy beach, na may malinaw na kalangitan, at magandang asul na dagat
at may alon sa dalampasigan, nakagawa ka na ng klarong mental image ng
senariong 'yun. May mga ebidensya na ngpapatunay na madalas nating gamitin ang
ganitong uri ng mental images. Halimbawa ay nagmamaneho ka at kailangan mong
magdesisyon—kung mag-o-overtake ka ba sa kotse sa harap mo o hindi. Gagamitin
mo ang iyong imahinasyon para makabuo ng senaryong posibleng mangyari–nakikita
mo pa rin ang kalye pero nakabuo na ng mental image ang utak mo. Hindi tayo
aware na nangyayari ito—hindi gagana ang sistema natin kung wala nito pero
hindi rin gagana ang sistema natin kung madalas tayong aware dito. Sa kaso ng
mild sensory deprivation (quiet and dark), posible na alam mong imahinasyon
lang ang nakikita mo kung walang ibang pinagkakaabalahan ang kamalayan mo. Dahil
ito ay mga bagay na madalas hindi natin namamalayan, posibleng i-externalise
ang imagery at i-interpret na nagaganap kesa iniisip lang.
Illusions at Hallucinations
May kaibahan ang dalawang
phenomenang ito—ang illusion ay maling perception ng isang bagay, may dapat
i-perceive pero
Ang ideal na situation para sa
illusions na maganap ay sa mild sensory deprivation conditions, kadalasan
nangyayari tuwing may ghost hunt–-madilim na paligid, ang mga bagay ay hindi
nakikita nang maliwanag, at panandalian lamang na sulyap. Kapag ang observer ay
may kasamang iba pa tulad ng witness, ang collective illusion ay posible. Kung
ang grupo ay mayroong pareho o iisang common expectation, halimbawa ay may
magpapakitang multo, at mag-uusap-usap sila habang o pagkatapos ng experience,
maaring ma-fine tune ang kanilang mutual interpretations, at dahil diyan ay
makagawa ng malapit na illusory perception.
Auditory Illusions
Ang human speech ay binubuo ng
combination ng frequencies at rhythms. Ang tunog ng mga letrang t, k, f, sh, p,
s ay combinations ng clicks, swishes, hisses, squeaks at ilang pang mga tunog
ng ingay. Lahat ng tunog na ito ay nag-i-exist sa labas ng human speech. Dahil
dito, maaring ma-misperceive ang tunog bilang creak ng pintuan o boses ng tao.
Ang phenomenon na ito ay kadalasan sa may maiingay na lugar o tabing kalye,
ilog, dagat, halamanan, maging gubat, factory, marami pang iba.
Perceiving Objects and Events
Perceptual Memory
Ang perceptual memory ay
unreliable. Ang mata ng tao ay nakaka-distinguish ng ilang libong mga kulay,
pero ayun sa pag-aaral ay kaya lamang maalala ay 17 sa memorya. Ang mga images
sa ating isip ay hindi kasing klaro ng mga aktuwal na images.
Circadian Rhythms
Ang katawan ng tao ay may humigit
kumulang na 100 circadian rhythms; ang cycles na ito ay nakaka-influence sa
katawan ng tao—temperatura, hormones, tibok ng puso pati na rin blood pressure.
Ito lahat ay nagaganap sa lugar ng utak na tinatawag na suprachiasmatic nucleus
na nasa hypothalamus. Ang temperature ng katawan ng tao ay bumababa pagkatapos
ng 12mn at ang pinakamababa ay nasa 4 a.m. Ang antok ay madalas dumadapo kapag
ang temperature ng katawan ay nasa mababa. Kaya nga ba ang isang observer na
nagmamatyag magdamag ay pipiliting gisingin ang sarili dahil sa antok. Ang mga
kamay at paa ay makakaramdam ng panlalamig, ito ay dahil na rin sa likas sa
katawan ng tao ang unahin palamigin ang mga extremeties para ma-induce ang
antok. Kapag tayo ay tulog na, ang katawan natin ay muling umiinit. Habang lalo
nating pinaglalabanan ang antok o puyat ay lalo tayong manlalamig. Sa isang
experiment (sleep deprivation na ginawa sa mga daga), pinakita roon na ang mga
namatay na daga ay pareho ng mga namatay tulad sa hypothermia.
Myoclonic jerk
Sa pagkakaidlip, ang myoclonic
jerk ay maaaring maranasan. Ito ay ang involuntary jerking ng muscles, sanhi ng
mga harmless misfiring ng nerve cells. Minsan napagkakamalan na hinahawakan o
nahuhulog sa pagkakatulog. Sinasabi nilang kapag ganito raw ay tatangkad?
Parang hindi totoo ang kasabihan na 'yun.
Hypnogogic state
Ang hypnogogic state ay nagaganap
sa pagitan ng pagkakatulog at pagkakagising. Ang hypnogogic ay ang phenomenon
na nagaganap habang papatulog, ang hypnopompic naman ay phenomenon ay kung
papagising. Sa antas na ito, ang hypnogogic dreams ay maaring maranasan na
hindi kapareho ng mga ordinaryong panaginip lamang. Sa panaginip na ito mga
realistic images at sounds ay ma-e-experience—isang madalas na phenomenon ay ang pagkakarinig mo
sa pagtawag sa pangalan mo, ngunit paggising ay wala naman tumatawag sa 'yo.
Isa itong hypnogogic hallucination. Mga form constants ay madalas
rin makita—ito ay mga geometric images na produced ng visual system kaysa ng
external stimuli. Halimbawa nito ay ang paglalaro mo ng Tetris sa computer ng
matagal na oras bago matulog. Kapag natulog ka na at na-reach mo ang hypnogogic
state, mga vivid images ng Tetris ang iyong makikita. Kung itong phenomenon na
ito ay maganap sa microsleep, ang mga images ay maaring pagkamalian na
perception ng external world.
Sleep onset REM
Ang REM (rapid eye movement)
sleep ay stage ng pagtulog kung saan ang panaginip ay nagaganap na kadalasan ay
nangyayari mga isang oras pagkatulog. Sa ibang mga pagkakataon, tulad ng sleep
deprivation, ang REM sleep ay maaring maganap kaagad. Ang paralysis ng katawan
habang nasa REM sleep ay nagaganap bilang isang protective mechanism. Upang
maiwasan ng tao ang paggalaw o pag-akto ng kanyang panaginip na maaring
makasakit sa mismong nananaginip (o ibang tao na rin), ang isang tao ay
nakakaranas ng episode ng sleep paralysis. Ito ay nangyayari kapag ang tao ay
nakatulog nang nakatihaya at nangyayari kung papatulog na o papagising. Ang
akala ko bangungot 'yun. Sleep paralysis pala! Ang paralysis na nagaganap
habang REM sleep ay maaaring magpatuloy kahit magising na ang isang tao. Ang
katawan ay magiging mas mabigat at hindi maigalaw, kahit na ang tao ay aware na
sa kanyang environment, pero hindi makagalaw o makasalita. Ang mga mata ay
kadalasan naigagalaw. Ang heart rate ay bumibilis, may kahirapan rin sa paghinga,
at may matinding pagkatakot. Ang ilan ay magkakroon rin ng ilang hypnogogic
imagery—mula sa pagkakarinig ng mga nakakatakot na boses, ang feeling ng may
presence, at pagkakita ng mga strange figures. Bangungot nga ata!
Orbs
Maraming mga theory ang
nababalot sa sinasabing mga orbs na ito. Ito ay mga tila bilog na ilaw na
nakukunan sa mga letrato at sinasabing mga multo o espirito. Madalas ang mga
orbs na ito ay dust, pollen, dew, fog, ulan, at marami pang iban. Noong naglabasan
ang mga camera na digital ay marami rin ang nakukunan orbs. Sa 10 na nakunan,
10 ang hindi totoo. Mahirap makakuha ng totoong spirit orb, madalang. Sa aking
theory, ang spirit o ghost o minsan maging ang mga thoughtforms kapag nagiging
mobile ay nag-a-assume ito ng pinakamadaling form na kung saan equal pressure
lahat—ang spherical shape. Tulad na lamang ng sa bula ng sabon. Kahit na anong
shape pa ng alambre o pangkuha mo ng sabon ang lalabas na bula ay bilog kasi
may equal distribution ng pressure sa paligid. So kung ang energy na ito ay
magta-travel, mag-a-assume ito ng ganitong shape dahil na rin 'yun ang natural
form.
Mayroon din namang tinatawag na
lightning ball o santelmo. Ito raw ay apoy na bola na naghahabol ng tao sa bukid at mga
patag o kung saan mang mga lupain. Again, may theory po ako diyan. Ang St.
Elmo's fire o santelmo ay hindi po espirito, multo, o maligno! Tadah! Ito po ay
gas! Huh? Papaano! Ganito po iyon. Lumalabas lamang ang santelmo tuwing
pagkatapos ng isang lightning storm o pagkidlat. Minsan po ang ilalim ng lupa,
lalo na kapag may space, ay nagkakaroon
ito ng mga gas (bio, methane, etc.) na sumisingaw kapag lumamig o nabasa.
Parang alimuong, 'yung kapag sobrang init ng lupa at binasa mo ay may singaw.
Baka sikmurain ako! Ang gas na ito ay sumisingaw at kapag nagkaroon ng
electrolysis o kahit grounding ay sumisindi. Tulad ng isang vapor ng alcohol.
Ang gas na ito ay naghahanap ng static conduit (alam niyo ba 'yung electric
ball na kapag dinikit mo ang kamay mo ay sumusunod ang kuryente? Ganun 'yun!).
So ang tendency ng so-called bolang apoy na 'yun ay habulin ang tao at nawawala
rin ito kapag wala nang vapor. Ganun pala 'yun!
Kadalasan sinasabi nila kapag
mayroon daw santelmo ay may kayamanan na nabaon. Mas malamang na ito ay may
katotohanan. Dahil na rin kapag nagkaroon ng pressure ang space sa lupa na
pinagbaunan (tapos may decomposed na body pa) ay magkakaroon 'yun ng gas na
maaring sumingaw kapag may ambon at kidlat. Hindi po multo o espirito ang
santelmo! Gas po 'to!
Ψ
Maging ano pa man ang kalabasan,
paranormal o maging normal lamang ito, ang Paranormal/Psychic Scene
Investigation Team ay patuloy na tutuklasin ang katotohanan, ang pag-iimbestiga
at pag-research sa mga bagay-bagay na inaakalang supernatural ay hinahanapan ng
kadahilanan. Maging espirito man o energy ay subjected pa rin ito sa mga
prinsipyo at batas. Ang koneksiyon ng pagpaparamdam o manifestation at ng
electromagnetic field radiation o ionization pati na rin ng isip at paniniwala
ng tao ay pag-aralan kung ito nga ay paranormal—nagiging maliwanag na
pagtagal-tagal dahil na rin sa ang mga experiments, research, investigations ay
unti-unting nagtutugma-tugma. Siguro balang araw ay maaari na nating ilagay sa
test tube ang multo o 'di kaya ay ilagay ang espirito sa picture tube o LCD
screen at makausap ng tulad kapag kausap ang taong normal. Aabangan ko ang
multo ni Einstein, Aristotle, at Galileo. Sarap makipagkwentuhan kapag
nagkataon!
Download the book here (inupload ni sir Ruel Ruiz ito sa Scribd account niya nung siya ay nabubuhay pa):
👉 https://www.scribd.com/doc/294089171/Multo-Thought-Forms-atb2-1-1-doc
- Chris
More information:
- When the Mind Plays Tricks: Psychology and the Paranormal
- Psychological Influences on Paranormal Investigation
- Near-Sleep, Psychological, and Psychiatric Factors Behind Unusual Experiences
- Hallucinations and Misperceptions in Paranormal Investigation
Comments
Post a Comment